It’s been two weeks, at halos isang LSS lang ang umiikot sa ulo ko ("umuwi ka na Baby…"). Hay, ang buhay law student. Ang lungkot pa mag-dorm, lalo na nung umalis ang roommate ko at naiwan akong walang kasama kundi ang apat na sulok ng kulay beige na walls at si Eeyore. Buti na lang may Angeli at Mau akong nakasama nung deepest darkest days of despair…e nakauwi na rin sila. How would you feel when everyone’s hauling their stuff at ni hindi ka pa nag-eexam? Miss ko na ang aso ko talaga.
Anyway, ngayong tapos na ang exams, tuloy ang ligaya at ang pagiging tunay kong tao. Matagal na akong absent sa bahay ni Kuya, so kakareerin ko yun. Maaasikaso ko na si loved one. Makaka-attend ng choir. Hahanapin ang MTVs ng favorite new songs ko, makikinig ng CDs. At mananalangin kay Lord na ipasa ako sa Tax.
Ano nga bang natutunan ko sa sem na ito? Marami-rami rin naman, kahit minsan feeling ko kalokohan ang buhay na ito. Sa Wills, na-realize kong dapat mag-family planning para mas madali hatiin ang estate ko pag namatay ako. Sa LIP, natutunan ko kung bakit ganun ang kulay ng bote ng beer. Sa Civ Pro, ang mga taktikang bubuhay sa akin pag pinagpala ako ni God na at least umabot sa moot court. At sa Labor…may alam naman ako sa Labor.
It’s the best of times, the worst of times (sa ‘A Tale of Two Cities’ ata yun). Kahit tinalo pa namin ang Star Circle Quest at Pinoy Big Brother sa tanggalan (ng students), fight pa rin. Kahit di na namin alam ang days of the week, ang kapalit ay subjects ("oy magkikita ba tayo sa Wills" "sige ibibigay ko sa yo sa Torts"). Kahit boarder na ako sa bahay kong nakikita ko twice a month. Kasi ang mga bagay na pinaghihirapan ay masarap makamtan. Naks. Makatulog na nga. I love you all.
Hmmm…sino kaya ung loved one na aasikasuhin mo? Feeling ko ang swerte nun. Ganda mo kasing babae, galing mo pa sa Law!
I hope you’ll have two (or three?) splendid weeks of looooong vacation; you deserve it naman! And finally, makakaliwaliw na tayo ng matagalan! Kahit na (hmp) yung aso mo ang talagang namimiss mo…