Buhay Artista
April 17, 2007 by anishnish
Saturday, April 14, 2007
5:30 am. Must wake up friend. Must take a bath. Must look human.
6:45 am. Nagkita kami ni friend sa kanto ng establishment na itatago natin sa pangalang…KFC. Papunta kami sa review center. Si friend ay nagbabasa ng…novena? "Gurl ano yan?" "Gurl inabot lang sa akin…" Ah, sa Jehovah pala. Sarado pa ang Jollibee!
7:15 am. Marami nang signs of human life sa AVR. Agawan ng upuan, labasan ng gamit, ultimo brush ay naging place holder. Akalain mong buhay na pala ang mga bampira ng ganitong oras, pinakawalan na kami ng 9 pm the day before. Maganda ang seats namin ngayon. Pagdating pa ng isang friend, agahan sa canteen…itlog na naman!
8:30 am. Simula na ng pagpapakadalubhasa. Dumating na si Sir. Nagnonotes na hindi ko maiintindihan pag binasa uli. Masaya ang lecture. Nakaka-relate kahit the great pretending law student na naman ako.
9:30 am. Sir: "Why are you all so serious?" Me: "Kasi natatakot na ako sa backlog ko (o di ba hanggang ngayon, backlog pa rin ang drama ng buhay ko)." Sir: "What is this?" (nagdrowing ng kahon sa white board) "This is a promissory note…" "Hay kailangan ko ng kape."
10:05 am. Nakakatulog ang nasa harap ko. Nagsasalita na ang tiyan ko. "Gurl magkape tayo." "Dun tayo sa fourth floor para walang tao." "Okay, you can break yourselves." "Uy Bread Pan!" "Hi! Dito ka rin pala nagreview…"
10:30 am. Tuluy-tuloy na pagpapakadalubhasa. Nagsasagot ng bar questions. Deadma kung mali sagot ko, ako lang naman nakakaalam, hehehe (basta maalala ko yung tama). Grabe, the clock is ticking.
12:00 nn. "San tayo kakain?" "Mister Kebab!" "Ang daming tao." "eh Jollibee?" "Ugh." "KFC?" "Na naman?" "Ngek sige na, McDo na nga." "Anung gusto nilang pagkain?" "Parang pwedeng mag-attendance dito." "Pakibuhusan ng gravy…"
1:00 pm. "Gurl balik lang ako dorm." "National muna kami."
2:00 pm. "Ang init sa labas!" "Inaantok ako." "Ako rin." "Low batt na ang mp ko!" "Eto na si Sir."
3:15 pm. "Bukas magsho-shorts ako, mainit." "Hindi muna ako magsho-shorts til after graduation." "May shoes ka na pala?"
4:00 pm. "Sana magbreak na…" "Patingin nga ng sked." "Anung pagkain nyo diyan?" "Uy Bread Pan!" "Eto may candy dito."
5:45 pm. "Gurl low batt na ko…" "Mass tayo!" "Uwi ka ba ngayon?" "Ayan dismissed na!"
7:00 pm. "SM tayo!" "Tsk tsk, katabi pala ng simbahan ang sakayan ng SM." Ay Sabado pala ngayon. The utter joy of window shopping. For two hours, I can pretend to be one with the human race. Hehehe.
10:30 pm. Magbabasa ako! Hindi ako matutulog hangga’t hindi ko natatapos ang Summons!
10:35 pm. Zzzzzzz…
At kinabukasan, ganito uli…good luck sa atin.