hindi biro kumanta ng alto
ang magtanda ng alanganing tono
ang tumunog gaya ng kiriring ng telepono
bakit nga ba ako napunta dito
batukan ko kaya ang aking mga ka-koro
madali pa naman akong malito
buti mahaba ang pasensya ng nagtuturo
kundi baka noon pa, ako’y sumuko
pero ngayong wala na sa soprano
hindi na pumuputok ang litid ko
sisikaping pagbutihin ang karir na ito
tutal pangarap kong sumikat nang husto.
kaw pa nama’y aking idolo,
ngunit tila yata’t ikay nagbago.
iniwan, winaksi tinig na soprano
hindi ba’t mas tanyag ito kaysa alto?
ngunit kung ika’y dyan liligaya
lalu pa kung sisikat ka
sister go ka na!!wag lang maging kaboses si sharon cuneta!!!
peace!!! miss you!!
ey hindi naman ako umalis ng soprano. 2 piyesa ako inassign na mag-alto and in fairness, mahirap na masarap. at hindi totoong mas tanyag ang soprano kaysa alto ha…lahat tayo sikat.
miss you girl! take care. 